Home Articles List Len's Viewfinder Bakit Kailangang Mamatay si Jesus?
Yung Mga Di Pa Nakarinig

May mga Kristiyanong nakakaranas ng matinding kalungkutan sa kaiisip kung ano na ang nangyari sa kanilang mga mahal sa buhay na namatay na bago pa man sila nakapagpahayag ng kanilang pananampalataya kay Hesu Kristo. Kahit yung mga matatapang na bayani, katulad ng mga bombero at mga pulis na namatay habang nagsusumikap na iligtas ang iba sa pagkawasak ng World Trade Center noong Setiembre 11, 2001, ay pinapalagay na ng iba na diretso nang pumunta sa impiyerno

Read more...
 
Bakit Kailangang Mamatay si Jesus? PDF Print E-mail
Len's Viewfinder
Written by Len Joson   
Wednesday, 31 March 2010 00:00

Bago dumating si Jesus noong mga 2,000 taon nang nakalipas, marami talagang mga Hudeo ang naghihintay sa pagdating ng kanilang tagapagligtas. Inaasam-asam talaga nila ang pagdating ng kanilang lider na siyang magpapalaya sa kanila sa pananakop at pang-aapi

ng mga armi ng mga dayuhang Romano. Pinagdarasal nila ang pagdating ng kanilang Mesias na siyang magdadala sa kanilang bansang Israel patungong muli sa kaunlaran at kabutihan kapag ang mga Hudeo ay nagpakabuti na. Ibinalita na ito ng mga propeta bago pa man nangyari na may lider na ganito ang dumating -- isang tagapagmana ni Haring David. Meron pa ngang nagbalita kung kailan lilitaw ang Mesias.

 

Kaya nang si Jesus ay nagsimulang kumilos, at nang makita nila ang mga milagro, inasahan ng mga Hudeo na si Jesus na nga ang Mesias. Malugod nilang tinanggap si Jesus sa Jerusalem at sinalubong ng mga dahon at sanga ng palma.

Pero isang linggo lang, patay na ang inaasahan nilang magiging lider -- tinakwil ng kanyang sariling mga kababayan at pinatay ng mga Romanong sundalo, nakalambitin sa krus para pahirapan at pagtawanan, kagaya ng iba pang mga nagpanggap na Mesias. Pansamantalang nawasak ang mga pangarap ng mga naniwala sa kanya. Pero nang ikatlong araw, si Jesus ay nabuhay na muli at umakyat sa langit. Siya talaga ang tagapagligtas, ang Mesias.

Itong napakalaking milagro ng kanyang pagkabuhay muli, na nasaksihan ng daan-daang mga testigo, ay nagpapatunay na si Jesus talaga ang tunay na Mesias. Pero isang tanong pa rin ang di maintindihan -- bakit ba si Jesus kailangang mamatay?

Di kaya si Jesus masamang tao kaya namatay? Pababayaan ba ng Diyos na ang kanyang piniling lider ay pagtawanan, apihin, gulpihin, ipako sa krus hanggang sa mamatay? Ano pa ang silbi ng isang lider kung patay na at di na puwedeng sundan?   

Bago pa man namatay ang Mesias, binalita na ito ng mga propeta pero ang kanilang propesiya ay hindi naintindihan ng karamihan. Plano talaga ito ng Diyos sa umpisa pa man na ang Mesias ay daranas ng hirap at mamamatay para sa kanyang mga kababayan. Alam ng Diyos na ang pinakamalaking kaaway ng mga tao ay hindi ang mga Romano -- kundi ang kamatayan na resulta ng kasalanan. Ang kasalanan at kamatayan ay di nalulupig ng mga espada at sibat, kundi sa pamamagitan lamang ng di-makatarungang kamatayan ng banal na Tagatubos. Sa pamamagitan lamang ng kamatayan ni Jesus sa krus ang mga kasalanan ay mapapatawad; sa pamamagitan lamang ni Jesus tayo mabibigyan ng buhay na walang hanggan.     

Si Jesus ay nagdala ng biyaya para sa buong mundo, di lamang para sa maliit na bansang Israel na sinakop ng mga Romano. Siya ay nagbigay ng regalo ng kabutihan at buhay na walang hanggan. Ito ang dahilan kung bakit ang Mesias ay kailangang mamatay. "...kung sa pamamagitan ng kautusan ay ang katuwiran, kung gayo'y si Cristo ay namatay ng walang kabuluhan" (Gal. 2:21). Ang kabutihan (katuwiran) ay di nakukuha sa pamamagitan ng kautusan. Walang gaano karaming seremonya o pagsunod sa kautusan ang makakabayad sa katotohanang tayo ay nakalabag na sa kautusan at nasa ilalim na ng karapatdapat na parusa.

Si Jesus ay tagaturo ng kabutihan, pero di niya niligtas ang bansang Israel sa pamamagitan ng kanyang mga pangaral, kahit lahat ng iyon ay tama. Niligtas niya ang bansang Israel -- at lahat ng mga tao sa lahat ng mga bansa -- sa pamamagitan ng kanyang kamatayan at pagkabuhay na muli. Siya ay kinondena ng batas ng mga Hudeo at mga Romano at kanyang tinanggap ang sumpa ng kautusan ayon sa bibliya (Gal. 3:13), pero binigay niya ang regalo ng kabutihan at buhay na walang hanggan para sa lahat ng mga naniniwala.

Ang mga Romanong armi ay matagal nang nawala. Pagdating ng panahon, ang ating mga paghihirap ay mawawala na rin. Kailangan nating makita di lang ang ngayon kundi ang hinaharap at ating makita na ang ating pinakamalaking kalaban ay ang kasalanan at kamatayan. Kailangan natin ang Mesias na tumalo sa kaaway at siyang nagbibigay sa atin ng tagumpay laban dito. Ang Diyos ay tamang-tamang nagbigay sa atin ng isang lider na ating kailangan -- si Jesus, ang Mesias na namatay at nabuhay na muli para sa buong mundo!

Why the Messiah had to Die

Copyright © 2005 Worldwide Church of God

Translated into Pilipino on April 3, 2009 by Len Joson

Comments (0)
Write comment
Your Contact Details:
Gravatar enabled
Comment:
Security
Please input the anti-spam code that you can read in the image.