.
Home Articles List Pinagkakasundo Ang Mundo
 
Planning on BUYING something ONLINE? You can BUY IT now at Amazon.com!

Pinagkakasundo Ang Mundo

Tuesday, 08 September 2009 11:56
Share/Save/Bookmark

Marami nang mga tao ang napagsabihan na sila ay nasa ilalim na ng hatol ng Diyos, at ang natatanging paraan na lamang upang ang Diyos ay magbago ang isip tungkol sa kanila, patawarin at simulang mahalin sila, ay kung sila ay magsisisi sa kanilang mga kasalanan at kung tatanggapin nila si Hesus.

Ang Magandang Balita

Pero ang magandang balita ay hindi sa atin nagsasabi na kailangang meron tayong gagawin upang ang Diyos ay bigyan tayo ng kanyang grasya. Ang magandang balita ay sinasabi sa atin na kay Hesu Kristo, ang Diyos na Ama ay pinagkasundo na sa kanyang sarili ang lahat ng bagay, kasama na ang tao.

Tingnan natin ang mga salita ni Apostol Pablo sa Colosas 1:19-20:

"Sapagka't minagaling ng Ama na ang buong kapuspusan ay manahanan sa kaniya; at sa pamamagitan niya ay pakipagkasunduin sa kaniya ang lahat ng mga bagay, na pinapayapa niya sa pamamagitan ng dugo ng kanyang krus."

At sa 1 Juan 2:2, ito ang ating mababasa, tungkol kay Hesus:

"At siya ang pangpalubag-loob sa ating mga kasalanan; at hindi lamang sa ating mga kasalanan, kundi ng sa buong sanglibutan din naman."

Tapos Na Tayong Pinagkasundo

Si Hesus ay tapos nang ipinagkasundo ang lahat sa Ama, tapos nang gawin ang lahat ng kailangang gawin para sa kaligtasan ng tao, bago pa man at walang kinalaman ang ano pa mang pagpapahayag ng ating pananampalataya.

"Datapuwa't ipinagtagubilin ng Dios ang kaniyang pagibig sa atin, na nang tayo'y mga makasalan pa, si Cristo ay namatay dahil sa atin." Sinulat ito ni Pablo sa Roma 5:8.

Ang Kaligtasan ay Libreng Regalo

Ang Diyos ay hindi tayo pinapatawad kapalit ng ating pagsisisi at pananampalataya, na parang isang kontrata sa negosyo. Minahal tayo ng Diyos at inaring kanya noong una pa man bago tayo ipinanganak. Ang kaligtasan ay isang regalo, libre at walang kondisyon, biyayang buong-buo at hindi nakukuha sa pamamagitan ng gawa.

Ang Diyos Ay Kumikilos sa Ating Puso

At dahil mahal na mahal tayo ng Diyos, ang Banal na Espirito ay hindi tumitigil na kumilos sa ating mga puso, pinupukaw at hinihikayat tayo na tanggapin, kilalanin at yakapin ang regalo -- upang tayo ay sumagot sa pagmamahal ng Ama sa pamamagitan ng pagtitiwala sa kanyang salita at sa pag-aalay ng ating buhay at katapatan kay Hesu Kristo.

Sa 2 Corinto 5:20-21, sinulat ni Pablo na:

"Kami nga'y mga sugo sa pangalan ni Cristo, na waring namamanhik ang Dios sa pamamagitan namin: kayo'y pinamamanhikan namin sa pangalan ni Cristo, na kayo'y makipagkasundo sa Dios. Yaong hindi nakakilala ng kasalanan ay kaniyang inaring may sala dahil sa atin: upang tayo'y maging sa kaniya'y katuwiran ng Dios."

Pagsusumamo Upang Ating Tanggapin

Itong pagsusumamo upang magkasundo ay hindi pagsusumamo na may gagawin upang magkaroon nang pagkakasundo; kundi, ito ay pagsusumamo upang tanggapin at maranasan ang pagkakasundo na nandiyan na para sa iyo, sa pamamagitan ng pagbabalik-loob natin sa Diyos na may pananalig.

Gusto ng Diyos na ang lahat ng tao ay paniwalaan itong magandang balita, tanggapin ang kanyang pakikipagsundo at pumasok sa kaligayahan ng bagong buhay kay Cristo sa pamamagitan ng Espiritu, nakikilahok kay Cristo sa kanyang walang katapusang relasyon sa Ama.

Ang Gospel ay Magandang Balita

Ang gospel ay magandang balita. Ito'y magandang balita para sa lahat, at ito'y magandang balita para sa iyo.

Ako si Joseph Tkach, nagsasalita tungkol sa buhay.

 

This is a Tagalog translation of Reconciling the World, a Speaking of Life video message by Dr. Joseph Tkach.

 


Comments (0)
Write comment
Your Contact Details:
Comment:
[b] [i] [u] [url] [quote] [code] [img]   
Security
Please input the anti-spam code that you can read in the image.